$25-MILLION EXHIBITION MATCH NINA MANNY PACQUIAO VS BUAKAW BANCHAMEK NG THAILAND, KASADO SA 2024

Isang exhibition Match sa 2024 ang aabangan ng mga fans ni boxing legend Manny Pacquiao sa isang Muay Thai icon na si Buakaw Banchamek ng Thailand.

Sa isang press conference, sinabi ni Manny na gagawin niya ang kanyang best para sa magandang laban para maging masaya ang kanyang mga fans.

Pero, wala pang detalye kung saan mangyayari ang laban ng dalawa.

Bagaman inaasahan na ang exhibition match ay magkakaroon ng anim na rounds na tig-tatlong minuto at may dalawang minuto na interval naman kada round.

Ang makakalaban nitong si Buakaw na dating #1 ranked fighter ng legendary Lumpinee Stadium ay mayroong record na 240 kickboxing wins with 73 knockouts, 24 losses, at 14 draws.

Siya rin ang two-time K-1 World Max champion at dalawang beses na nagwagi sa Thai Fight tournament.

Samantala, si Manny naman ang one and only boxer na naging champion sa walong weight divisions.
May professional record na 62 wins including 39 knockouts, eight losses, at two draws.

Taong 2021 nang inanunsyo ng boxing icon ang kanyang pagreretiro sa boxing matapos matalo via unanimous decision laban sa Cuban fighter na si Yordenis Ugas.

Magugunita noong Disyembre ng nakaraang taon nang huling magkaroon ng exhibition si Pacman laban sa South Korean YouTube martial artist na si DK Yoo.