20 KANDIDATA NG BB. NUEVA ECIJA 2023, OPISYAL NANG IPINAKILALA

Opisyal nang ipinakilala sa publiko sa ginanap na Press Presentation and Casual Attire Competition ang dalawampung mga kandidata ng Bb. Nueva Ecija 2023 noong July 27, 2023 sa SM Cabanatuan City.

Bawat kandidata ay dumaan sa casual interview mula sa mga local media ng lalawigan kung saan nagpakitang gilas agad sa pagsagot sa mga katanungan ang mga ito.

Sa pagdako naman ng main event ay nagpatalbugan ang mga kandidata sa pagrampa ng kanilang Casual Attire na hinangaan ng kanilang mga supporters at iba bang mga manunuod.

Ayon kay Atty. Jose Maria Ceasar San Pedro, umaaasa sila na makatutulong ang Bb. Nueva Ecija para sa lalong pagpapalakas ng turismo ng probinsya ng Nueva Ecija kung saan ipinagmalaki nito na umabot sa mahigit isang milyong day tourists at mahigit 300, 000 overnight tourists ang bumisita sa lalawigan noong nakaraang taon.

Sa loob aniya ng dalawa hanggang tatlong taon ay napatunayan na ang Nueva Ecija ay kabilang sa pinakamahalagang tourism destination hindi lamang sa buong Central Luzon kundi maging sa buong bansa.

Kasabay ng aktibidad na ito ay inilunsad din ang Tuklasin Nueva Ecija na bagong travel show para sa promosyon ng turismo ng lalawigan ng Nueva Ecija.