SENTIBONG BALITA
DRUG DEN, NALANSAG NG KAPULISAN SA CENTRAL LUZON
Muling naka-score ang kapulisan sa Central Luzon nang makumpiska ang malaking halaga ng hinihinalang iligal na droga, baril at bala sa tatlong magkakahiwalay na operasyon sa Zambales, Bulacan at Olongapo City mula July 27 at 28, 2023.
Sa Masinloc, Zambales, isang drug den ang nalansag kung saan pitong suspek ang naaresto sa bisa ng Search Warrant for violation of RA9165 and RA10591.
Pangunahing nadakip ang operator na kinilalang John Michael Segovia aka “Boss Balong”, na nasa watch list at dati nang naaresto sa parehong kaso noong 2012, 2015, and 2019, kasama sina Allan Ventura y Ignalagim, Jeffrey Natividad, Ralph Cadasos y Socgang, Romano Illorig, Maximo Viscara Aquino Jr and Ben Navarro Jr.
Nakumpiska umano sa mga ito ang 5 transparent plastic sachets na naglalaman ng pinagsususpetsahang shabu na tumitimbang ng 33 grams at nagkakakahalaga ng Php215,000.00, isang bundle at isang sachet of dried Marijuana leaves na may timbang na 550 grams with estimated value of Php82,500.00, 25 pieces ng hinihinalang ecstasy pills na tinatayang nasa Php42,500.00, and drug paraphernalia.
Kabilang din sa nasamsam ang one cal. 45 pistol, two Cal 38 revolvers, one Cal 22 pistol, one Improvised cal 22 rifle/air gun, five pistol magazines, at assorted na mga bala.
Habang sa Sta. Maria, Bulacan, nahulli naman ng mga pulis ang high value individual na kinilalang si Benito Capili Jr. y Corbillon, alias ‘’UNYO’’, residente ng Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang dalawang Php1,000.00 bills marked money at apat na piraso ng heat sealed plastic sachets na naglalaman ng diumano’y shabu na tumitimbang ng halos 60 grams at nagkakahalaga ng Php 408,000.00.
Samantala sa Olongapo City, inaresto ng City Police Drug Enforcement Unit sa buy-bust ang suspek na si Alejandro ONG y Arcenas, at ang kasabwat umano nitong si Jhantzen Angelo Sabeniano, kapwa residente ng Brgy. Pag-asa at Jhuner Reyes y Moril ng Brgy. Gordon Heights.
Nakuha umano sa kanila ang one black pouch na naglalaman ng five pieces of small size heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang Shabu na tinatayang may timbang na 25 grams na nagkakahalaga ng Php170,000.00.