TRIGGER WARNING!!! TALKS ABOUT VIOLENCE

SERIAL KILLER UMANO NA PUMAPATAY GAMIT ANG ITAK, KINATATAKUTAN SA NUEVA ECIJA

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang diumano’y serial killer na umiikot sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija na pumapatay gamit ang itak na sinasabing wanted at pinaghahanap ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group.

Nagsadya kahapon August 3, 2023 ang team ng TV48 sa CIDG-Nueva Ecija at doon napag-alaman na hindi kabilang o wala pa ito sa listahan ng mga tinutugis nilang wanted persons.

Ngunit sa official report ng Cabanatuan City Police, nakumpirma na totoo ang istorya na napaslang ng suspek na kinilalang si Joey Manzano, tubong Guimba, at helper sa farm ang biktimang si Victor Flores, 48 years old, at residente ng Barangay Sumacab Sur ng nasabing lungsod.