EDUCATIONAL ASSISTANCE NG MGA SCHOLAR NG KAPITOLYO, INIHATID SA BAYAN NG RIZAL

Personal na inabot ng mga empleyado ng Provincial Treasurer’s Office katuwang ang Public Affairs Monitoring Office ang Educational Financial Assistance ng mga iskolar mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, sa pangunguna ni Gov. Aurelio “Oyie” Umali, at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.

120 na mga estudyante sa bayan ng Rizal ang tumanggap ng halagang php2,500.00 bawat isa bilang tulong pinansiyal sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay Lean Jean Martinez, 2nd year college sa Wesleyan University, sa kursong Bachelor of Science in Accountancy, napakalaking tulong nito para sa kanyang mga magulang lalo na at hindi stable ang kanilang income.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ni Joice Puno dahil sa pamamagitan ng lIbreng tuition, at libreng dormitoryo sa Eduardo L Joson Memorial College at educational assistance allowance sa loob ng apat na taon ay nakapagtapos ito ng kanilang pag-aaral upang maabot ang kanilang mga pangarap

Sa tulong din ng kapitolyo ay nakapagtapos ng kolehiyo si Mark Villanueva sa ELJMC. Ito ay sa kabila ng hirap ng buhay na tanging ang kanyang ate na lamang ang nagtaguyod sa kanyang pag-aaral bilang kasambahay, ang kanya kasing mga magulang ay mga senior citizen narin at wala sapat na hanapbuhay.