KAKASUHAN, DRONE PROVIDER SA CLOSING NG 2023 PALARONG PAMBANSA
Mariing kinondena ng Marikina City Government sa pangunguna ni Mayor Marcy Teodoro ang baligtad na kulay ng bandila ng Pilipinas sa pagsasara ng Palarong Pambansa.
Pinapakasuhan ang Dronetech ph para madetermina ang mga legal na pananagutan ng kumpanya sa nasabing insidente.
Sa isang pahayag, sinabi ng Marikina LGU na bahagi ng closing ceremony noong Sabado ang drone show na ibinigay ng supplier ng lungsod na DroneTech Philippines.
Ngunit nagkaroon ng pagkakamali sa pagbuo ng watawat ng Pilipinas sa drone show kung saan ang kulay pula ay nasa itaas at asul ang nasa ibaba.
Ayon sa Flag Heraldic code of the Phil. RA 8491 papaibabaw lamang ang kulay pula ng bandila ng Pilipinas kung nasa giyera ang bansa.
Naglabas din ng pahayag ang drone company na humihingi ng paumanhin sa pagkakamali at sinabing ang technical error ay dahil sa kawalan ng practice dahil sa sama ng panahon.
Nilinaw din ng kompanya na ang error na ito sa Drone Show programming ay hindi matagumpay na nagawa dahil sa masamang kondisyon at interference ng signal sa nasabing lugar sa loob ng ilang gabi.
Sinabi ng kumpanya na wala silang anumang intensyon o malisya sa paggawa ng pagkakamali.
Patuloy ang paghahari ng National Capital Region na pang ika labing anim na taon na mula pa noong 2005 sa pamamagitan ng point system ang medal tally.
Sa kabuuan humakot ang NCR ng 85 ginto, 74 pilak at 55 tansong medalya sa pagtatapos noong Sabado ng 63rd Palarong Pambansa 2023 sa Marikina City Sports Center.
Kasunod ng ilang araw na mga pag-ulan dulot ng mga typhoon, bagyo rin ang NCR para mapanatili ang pangkalahatang korona kahit nanindak ang Western Visayas ng ilang araw sa balik ng kompestisyon mula sa dalawang taong pagkawala sanhi ng pandemya.
.
Malaking tulong para sa Metro Manila delegation ang mga hinakot na medalya sa gymnastics sa 36 golds sa pangunguna ni Karl Eldrew Yulo na winalis ang anim na ginto, at sa swimming na may 17 golds.
Nilampasan noong Biyernes ang NCR ng mahigpit na karibal na Western Visayas na dinomina ang athletics sa 24 na ginto, pero laglag parin sa ikalawang puwesto sa 60-45-44 buhat pa nung 2013.
Pumangatlo ang Calabarzon o Region IV-A sa 52-52-57 gold-silver-bronze medals, kasunod ang Region III-Central Luzon sa 28-33-46.
Nakatakdang ganapin ang 2024 Palarong Pambansa sa Cebu City, at sa 2025 sa Ilocos Norte.