Sensitibong Balita:

FOREIGNER, PINOY, ARESTADO SA BUY-BUST SA PAMPANGA

Arestado ang isang British national at kasamahan nitong Filipino sa isinagawang anti-drug operation sa Pampanga nitong Linggo, August 6, 2023, kung saan kinumpiska ng mga awtoridad ang higit sa Php400k na halaga ng illegal na droga.

Kinilala ni PRO3 Regional Director PBGEN JOSE S HIDALGO ang mga suspek na parehong nagmula sa Angeles City na sina Philip JOSEPH y Craig, 53 years old at British National, at ang 45 anyos na si Duane MANUEL y Bariso.

Nahuli ang dalawang suspek matapos ang isinagawang entrapment ng San Fernando CPS, Pampanga 1st PMFC at Pampanga PDEU sa Brgy. Baliti, City of San Fernando, Pampanga.

Nakuha umano sa dalawa ang labing-dalawang piraso ng silyadong plastic na may laman na hinihinalang shabu na may timbang na 65 grams at nagkakahalaga ng Php442,000.00.

Nakita rin sa dala ng mga suspek ang isang libong piso, isang gray pouch, Samsung mobile phone at Honda Civic sedan na may plakang WHT 366.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong violation of RA 9165 Sec 5 at Sec 11.