BOKAL EMMANUEL DOMINGO, KAUNA-UNAHANG KINATAWAN NG KATUTUBO NA NAKAPAG-PRESIDE NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SESSION
Karangalan para kay Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) Bokal Emmanuel “Tamboy” Domingo ang mapamunuan ang regular na pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan.
Naupo bilang presiding officer si Bokal Domingo sa 27th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan kung saan kabilang sa mga naaprubahan ay ang Ordinance to curtail the sale, distribution, manufacture and/or production of illicit, counterfeit, non-compliant and/or fake cigarettes/tobacco products, and for other purposes.
Kasama din sa naaprubahan sa supplemental agenda ang kahilingan ni Governor Aurelio Umali na amyendahan ang Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 66 series of 2022 approving the Annual Budget of the Province of Nueva Ecija for Calendar Year 2023, to reflect the corrected Statement of Receipts Sources for the General Fund, properly reclassifying income derived from different agencies as Service Fees and Charges, in accordance with the Revenue Code.
Aprubado din ang isa pang kahilingan mula kay Governor Oyie na bigyang pahintulot ang Provincial Government sa pamamagitan ng Provincial Treasurer’s Office na makapagbukas ng Checking account (Interest-Bearing) for the Development Fund at Checking account (Interest-Bearing) for the Calamity Fund sa Land Bank of the Philippines sa Palayan City.
Sa nauna nang panayam kay Vice Governor Anthony Umali ay sinabi nitong nais niyang iparanas sa mga kinatawan ng bawat distrito, kabataan at maging ng mga katutubo ang pagiging taga-pangulo ng regular na sesyon ng kanilang tanggapan.
Dagdag ng Bise Gobernador na hamon ito para sa mga bokal kung paano pamumunuan ang regular na pagpupulong lalo na kung mayroong dapat na pagdiskuyunan para sa maayos na daloy ng sesyon.