LIBRENG TULI, MEDICAL MISSION PARA SA MGA TAGA GEN.TINIO, HANDOG NG KAPITOLYO
Maaga pa lamang ay dinagsa na ng mga bata ang Gen. Tinio Medicare Community Hospital para sa Libreng Operation Tuli na handog ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna nila Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.
Sinamantala na rin ng mga magulang habang bakasyon sa school na samahan na mag patuli ang kanilang mga anak dahil bukod na libre ito ay may kasama ring libreng mga gamot para sa kanilang mga anak.
Napakalaking bagay umano itong ginagawang libreng tuli taon taon ng Provincial Health office na inaabangan ng mga magulang dahil hindi na nila kailangan dumayo ng Cabanatuan City para magpatuli ang kanilang mga anak sa private, lalo na at wala silang kakayahan para magbayad na inaabot din ng libo bukod pa sa bibilhing mga gamot.
Bukod sa libreng tuli mayroon ding Medical mission na isinagawa ang Medicare Community Hospital ng Gen. Tinio kung saan nagkaroon ng libreng consultation at libreng gamot para sa may sakit na ubo, sipon, high blood, at maging ang may sakit na diabetes, at kung kinakailangan na i-admit ay kanila itong ginawa para maka recover ang mga pasyente.
Sa naturang Medical Mission ay may kasama ring Mobile Kusina na may masarap at mainit na sopas na dala ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon kay Dr. Rodrigo Chan, hindi lamang mga taga Gen Tinio ang kanilang pinaglilingkuran maging mga karatig bayan din aniya gaya ng Penaranda at San Leonardo ay welcome nilang tinatangap kahit anong oras dahil 24/7 ang kanilang serbisyo.