PANGMATAGALANG TAAS SAHOD NG MGA GURO, IPINAG-UTOS NI PBBM

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Education o DepEd na magsagawa ng masusing pag-aaral kaugnay sa pangmatagalang solusyon para sa taas sahod ng mga pampublikong guro.

Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte Carpio na kumikilos na ang kanilang tanggapan sa nais ng pangulo na magkaroon ng long term na paraan o sistema para madagdagan ang take home pay ng mga guro at non-teaching personnel ng DepEd.

Bukod pa dito ay kanila ring natatanggap taon-taon ang salary increase sa ilalim ng Salary Standardization Law.

Binigyang diin ni VP Sara na hindi magandang tignan na kada taon ay humihirit ng taas sahod ang mga guro kaya kanilang hinahanapan ng solusyon ang ibang mga paraan sa pagtaas sahod ng mga ito.

Kabilang sa mga ikinokonsidera sa pag-aaral ay ang inflation o patuloy na pagtaas ng mga bilihin at forecast ng economic indicators sa mga darating na panahon.

Magugunita na nauna nang ipinangako ni Pangulong marcos ang umento sa sweldo ng mga guro noong kampanya.