MAG-ASAWANG MAGKAIBA NG PROPESYON, IISA ANG HANGARIN NA MAKAPAGLINGKOD SA PANGINOON
Sa kabila ng pagkakaiba ng propesyon, ay pinag-isa ang kanilang mga puso at patuloy na pinagtitibay Ng Panginoon ang samahan ng isang lingkod simbahan at isang social worker bilang magkatuwang sa buhay.
Magkasamang ibinahagi ng mag-asawang sina Pastor Roman at Pastora Mary Ann Mateo ang kanilang karanasan sa buhay bilang tagapag-lingkod Ng Diyos, sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman nitong Sabado, August 12, 2023.
Ikinuwento ng mag-asawa na pagtulong sa simbahan at sa kapwa ang kanilang pangunahing layunin.
Idinagdag din ni Pastora Mary Ann, na sa kagustuhan nilang makatulong sa kapwa, ay hindi dumadaan sa kanilang mga palad ang allowance ni Pastor.
Ngunit sa kabila ng pagtulong ng mag-asawa sa ibang tao, ay minsan na rin silang nangailangan ng tulong sa iba, lalo na noong nagkaroon ng sakit si Pastora.
Subalit sa pamamagitan ng mga nagdarasal at nagpapalakas ng loob niya, ay nalagpasan at gumaling si Pastora sa kaniyang karamdaman.