BAGONG BRGY HALL SA SOCIAL BONGABON, MAY PRIVACY NA, MULTIPURPOSE PA!

Maliit at walang privacy ang barangay hall ng Social, Bongabon kaya naman humiling si Kapitan Jomar Dandan kay Gov. Aurelio “Oyie” Umali ng bago at malaking gusali upang maging secure at convenient ang mga kabarangay niya na idinudulong na problema.

Sa tulong ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Anthony Umali ay kasalukuyan nang ipinapagawa ang kanilang multipurpose hall na siyang tutugon sa lahat ng pangangailangan ng kanyang mga kabarangay.

Magagamit ang bagong bulwagan bilang evacuation center kung sakaling magkakaroon ng sakuna o bagyo sa kaniang lugar.

Bukod sa multipurpose hall ay napagkalooban din ang Brgy. Social ng gymnasium, rescue vehicle, at mga semento na ginamit sa pagpapagawa ng drainage canal na kanilang ipinagpapasalamat kina Gov. Oyie at Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali.