SENSITIBONG BALITA
HALOS PHP600K NA HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, NASAMSAM NG KAPULISAN SA ISANG TULAK SA BULACAN
Umaabot sa halos 10 grams ng pinagsususpetsahang shabu na nagkakahalaga ng PHP68,000.00, at nasa 100 grams ng hinihinalang cocaine na tinatayang nagkakahalaga PHP530,000.00 ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang tulak umano ng illegal na droga sa Brgy. Mojon, Malolos Bulacan noong August 16, 2023.
Kinilala ang suspek na si Oliver Paul Dela Cruz Mauricio alias “PAUL” (PDEA drug watchlisted), edad trentay dos, at negosyante.
Nahaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5 and 11 of Art. Il of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).