NAGMISTULANG ZOMBIE! MGA GUMAGAMIT NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT SA PHILADELPHIA, PARANG MGA PATAY NA BUHAY
Lumalala na ang Public Health Crisis sa Philadelphia sanhi ng paggamit ng TRANQ o Xylazine na mas kilalang Zombie Drug kaya nagmimistulang zombie na ang mga gumagamit nito lalo na kapag nasalubong mo ang mga ito sa gabi na lubhang nakakatakot dahil mukha talaga silang patay na may buhay.
Marami rin ang nangangamba na baka maging zombie na talaga ang mga ito dahil ang kanilang mga kilos at galaw ay parang sa napapanood natin sa pelikula.
Ang epekto umano ng nasabing xylazine ay mas matagal ang tama nito na ang side effect ay ang tinatawag nilang TRANQ walk kung saan walang pakiramdam ang mga tao sa paligid nila, at palakad lakad lang na walang dereksiyon kaya nagmumukha silang mga zombie na walang pakialam sa kanilang paligid.
Ang Xylazine ay inaprubahan ito ng US FDA bilang tranquilizer sa veterinary medicine na karaniwang ginagamit sa mga kabayo pero bawal ito sa mga tao dahil pwede itong maging maging sanhi ng major damage.
Ilan sa mga sakit na dulot nito ay ang severe skin ulcer, soft tissue wounds at pagkabulok ng balat ng tao kaya magmumukhang zombie talaga ang mga gumagamit nito.
Kinumpirma ng America na inilunsad ang crackdown para sa iligal na importasyon ng Xylazine na isang animal tranquilizer o mas kilalang “zombie drug” na iniuugnay sa overdose killings.
Ayon sa Food and Drug Administration, ang Xylazine o kilala sa street name na “tranq” ay nadiskubre sa mga illicitly manufactured fentanyl, heroin, cocaine at iba pang drugs na nagdulot ng public health concern.
Kaugnay nito, inihayag ng US-FDA na layon ng aksyon na mapigilan ang posibleng pagpasok ng gamot sa US market para sa illicit purposes.
Binigyang diin ng FDA na ang nasabing gamot ay magagamit pa rin naman sa mga hayop ng mga beterinaryo para ma-sedate, gaya ng mga kabayo at usa.
Napag-alaman na napapabagal ng Xylazine ang paghinga, blood pressure at heart rate hanggang sa critically low levels na maaaring magdulot ng skin ulcer at abscesses na posibleng magresulta sa amputation.