GUTOM NG BUONG PAMILYA NG PWD, NAIBSAN DAHIL SA MUSHROOM PROJECT NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Naging daan upang matakasan ang gutom ng buong pamilya ni Priscilla Lopez matapos niyang maging benepisyaryo ng “Mushroom Project” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija.
Si Aling Priscilla ay kabilang sa mga Persons with Disability, residente ng Santo Cristo, San Antonio, Nueva Ecija, at namamasukan bilang labandera.
Kwento niya, hindi sapat ang kinikita niya sa paglalabada upang punan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Kaya naman hindi masukat ang tuwang naramdaman nito nang malamang makatatanggap siya ng isang daang fruit bags ng kabute.
Napakibangan agad ang mga mushroom sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo ng pag-aalaga.
Ginawang ulam ni Priscilla ang mga bunga ng kabute at para may maipambili ng bigas at ibang mga pangangailang ng pamilya ay ipinagbenta ang iba sa mga ito.
Malaking tulong aniya ito sa kaniyang buong pamilya lalo’t hindi sapat ang kanyang kinikita sa paglalabada.
Umaasa rin siya na muling mabibigyan ng fruit bags of mushroom para makatulong sa pamilya.