GILAS, TULOY NA ANG LABAN SA DOMINICAN REPUBLIC SA BIYERNES
Inihayag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na nais nitong ituloy na ang momento ng kanyang tropa dahil ilang araw na lamang ang natitira bago ang FIBA World Cup.
Kaya wala nang pahinga ang Gilas Pilipinas na itutuloy na ang pukpukang ensayo hanggang sa opening day ng FIBA World Cup sa Biyernes sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Pinaghahandaan ng Gilas ang matitinding laban nito sa FIBA World Cup kabilang na ang pagharap sa Dominican Republic sa opening day.
Naniniwala si dating Gilas head coach Serbian Rajko Toroman na ito ang pinakamalakas na national team na binuo ng Pilipinas.
Ani Toroman, angTeam Gilas ngayon ang the strongest team in the history of Philippine basketball.
Kailangan lang aniyang magkaroon ng solidong chemistry si NBA star Jordan Clarkson sa iba pang miyembro ng Gilas upang mas maging maganda ang resulta ng kanilang bawat laro.
Samantala
Maisusuot na muli ni Kai Zachary Sotto ang kanyang uniporme sa Gilas Pilipinas matapos maisaayos ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng kampo nito at ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).
Ang hidwaan sa pagitan ni 7-foot-3 center at ng SBP Samahang Basketball Ng Pilipinas ay tapos na bago ang pagsasagawa ng FIBA World Cup sa bansa.
Ipinaalam mismo ni SBP President Alfredo Panlilio sa pagdalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, na nagkausap na ang mga doktor ng asosasyon at ang doktor ng kampo ni Sotto kung saan pinayagan na makapaglaro ang dating Ateneo Blue Eagles star.
Kinaikailangan ng mga manggagamot ng SBP na makuha ang medical certificate ni Sotto na para payagan siyang makapaglaro.
Makakalaban sa FIBA WORLD CUP ng Pilipinas ang mga sumusunod:
AUG. 25 ANGOLA VS ITALY 4PM
GILAS PILIPINAS VS DOMINICAN REPUBLIC 8PM PHIL. ARENA BULACAN
Dominican Republic August 25, 8PM sa Phil Arena
Pero bago ang laban sa Dominican Republic, maglalaro sa 1st game ang Angola vs Italy sa ganap ng 4pm.
Angola sa Aug. 27, 8pm sa Araneta Coliseum
Italy sa Aug. 29, 8pm sa Araneta Coliseum
Umaasa naman si SBP Pres. Panlilio na ma-break ng opening game ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan ang pinakamalaking attendance ng FIBA World Cup— ang LABAN ng USA-Russia finals noong 1994 na ginawa sa Toronto Canada na nakapagtala ng 32,616 attendance.
Inaasahang makukuha ng Pilipinas ang Bagong Record dahil ang Philippine Arena ang pinaka malaking indoor Arena sa buong mundo na kayang pumuno ng mahigit 55 thousand capacity para makuha ng Pilipinas ang Bagong Record sa Fiba.