SENSITIBONG BALITA
PHP100K NA HALAGA NG PEKENG SIGARILYO, NASABAT SA GEN. NATIVIDAD
Nagkakahalaga ng isandaang libong piso ang mga pekeng sigarilyo na nasabat ng kapulisan sa bayan ng General Natividad sa isinagawang Anti-Criminality Checkpoint noong August 20, 2023.
Kinilala ang suspek na nagmamaneho nang pinahintong Gray Mitsubishi Adventure na isang 29-year-old na lalaki at residente ng Barangay Daan Sarile, Cabanatuan City.
Base sa report ng pulisya, nang halughugin ang sasakyan ay nakumpiska mula sa suspek ang 400 reams of illegal cigarettes (H&P Red and Two Moon Green).
Nahaharap siya ngayon sa kasong Violation of RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).