AMBULANSIYA, IBA PANG MGA PROYEKTO NG KAPITOLYO, MALAKING PAKINABANG SA MGA TAGA BRGY.BALOC, STO.DOMINGO

Napakalaking tulong umano sa mga taga Brgy.Baloc ,sa bayan ng Sto Domingo ang ibat ibang proyektong ipinagawa ng Provincial Government ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.

Una na nga dito ang bagong ambulansiya na ayon kay Kapitana Josefina Lee, ay ipinagkaloob na sa kanila bago pa man magka pandemya na napakinabangan ng kanilang Barangay.

Maliban sa ambulansiya ay binigyan din ang kanilang Barangay ng multipurpose gym sa kanilang Elementary School na Baloc National Trade School, at sa Sitio Bolihan ng kanilang barangay na nagagamit ng mga mag aaral at mga mamamayan umulan man o sa panahon ng matinding sikat ng araw.

Ipinaayos din ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanilang mga sira sira at baku-bakong mga daan papuntang Gym.

Pinaaspalto ang maliit at lumulubog na daan na kapag panahon ng tag ulan lalo na ay nahihirapan ang mga estudyante na mga pumapasok sa Baloc National Trade School.

Ipinagpapsalamat din nila lalong lalo na ang Rice Distribution na patuloy na ipinagkakaloob sa kanilang barangay upang makabangon sa pandemya.

Napakapalad umano ng kanilang Barangay dahil mayroong Ama ng Lalawigan na walang sawang sumusuporta sa katauhan ni Gov. Oyie at ng Sanguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Vice Governor Anthony Umali.