SENSITIBONG BALITA
3 KALALAKIHAN, NAGNAKAW UMANO SA SM MEGACENTER
Himas rehas ang tatlong suspek sa pagnanakaw umano sa Cabanatuan City noong August 20, 2023.
Base sa report ng Nueva Ecija Police, huli sa aktong nagnanakaw ng Php1,800.00 worth of items and 10 meters copper cable ang mga suspek sa SM Mega Center and Globe Telecom Inc.
Dinakip at kinasuhan ang tatlo sa tulong ng guwardiya at mga nagpapatrolyang pulis.

