PANGULONG BONGBONG MARCOS, TARGET ANG MATATAG NA PRESYO NG BIGAS SA PAGSISIMULA NGAYONG ANIHAN

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magiging matatag na ang presyo at suplay ng bigas sa bansa, ngayong nag- uumpisa na ang pag- aani sa mga rehiyong kilalang nagpo- produce ng palay.

Ayon sa Pangulo, nagsisimula nang mag- ani sa Nueva Ecija, Isabela, at sa North Cotabato.

Siniguro naman ng Chief Executive na kanilang babantayan, hindi lamang ang magiging galawan sa presyo ng bigas kundi pati na ang rice supply.

Naniniwala si Pangulong Marcos na ang nagsisimula ng anihan ay magdaragdag sa suplay ng bigas sa bansa habang nakamonitor din aniya sila sa farmgate price gayung ito raw kasi ang nagpataas sa presyo ng bigas sa kasalukuyan.

Batay sa ulat na isinumite sa Chief Executive, maaaring makapag- produce ng 900,000 metric tons ang Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato na ngayon ay nag- aani na ng palay at tinatayang tatagal hanggang sa susunod na buwan ng Setyembre.

Binabantayan ng MalacaƱang ang farmgate price ng palay pati na rin ang presyo mismo ng bigas sa harap ng ulat na nagsisimula na ang anihan sa mga probinsya.

Binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang farmgate price at ang imported rice na siyang nagpapataas umano sa presyo ng bigas sa bansa.

Ayon sa pangulo, binabantayan nito ang farmgate price dahil `yun ang nagpapataas sa presyo ngayon pati pag-import ng mga ibang inputs at saka ng bigas mismo.

Kumpiyansa si Pangulong Marcos na magiging matatag ang presyo ng bigas sa sandaling dumami na ang suplay at sapat ang reserba ng gobyerno.
Batay umano sa ulat na nakarating sa Pangulo, iba-iba ang presyo ng bigas sa mga pamilihan depende sa klase nito.

Hanggang sa kasalukuyan ay pinamumunuan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA).

Samantala, inihayag ni DA Undersecretary Leo Sebastian na nagsimula na ang anihan ng palay sa Isabela, Nueva Ecija at North Cotabato na tinatayang magbibigay ng 900,000 metriko toneladang bigas.

Inisyal na pag-aani pa lamang aniya ito dahil ang talagang panahon ng anihan ay sa Setyembre pa kaya ang maagang ani ang magpupuno sa kailangang suplay ng bigas upang tumatag ang presyo nito.

Kapag wala aniyang pumasok na bagyo sa bansa sa mga susunod na buwan ay maaaring makuha ang target na hanggang 11.5 metriko tonelada ng bigas.