PINAG-ADJUST SA PICTURE: INEDIT NA PICTURE SA ISANG BINYAG, KINAALIWAN NG NETIZENS
Umani na ng mahigit 16, 000 reactions at mahigit 9, 000 shares ang post ng Novo Ecijanang si Jewell Alexis Abesamis na umattend at ninang sa isang binyag.
Naaliw ang mga netizens sa picture at maging sa caption ni Jewell na “Kung hindi niyo ako kayang paputiin, kayo na mag adjust” na may laughing emoji sa huli.
Nakita daw kasi ni Jewell na siya lang ang maitim sa picture kaya pina-edit niya ito ngunit tila wala naman daw naging pagbabago.
Kaya naman para “it’s a tie” sabi ni Jewell ay siya na ang nag-edit at pinaitim nalang lahat ng kanyang mga kasama sa picture.
Samu’t saring reaction din ang inani ng post na ito ni Jewell, ilan sa mga ito ay nagkusa nang i-enhance ang picture at sinubukang paputiin si Jewell sa larawan.
Mayroon ding pinaliwanag si Jewell at nagcomment na “sila naman ngayon mag adjust”.
Habang ang ilan naman sa mga komento ay “pati yung bata nadamay” na may laughing emoji, “nagbago ng kulay pero magaganda pa rin kayo” with smile at heart emoji, “dapat pala kulayan ko kayo ganito sa pics natin”, “bakit naman pati yung bata dinamay” na may laughing emoji, at ang nakakaaliw pang comment na “sunburnt kayo ngayon.”]