LIBRENG BIOCHAR, PATABA SA LUPA, IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA SA NUEVA ECIJA
Isa sa mga prioridad ni Governor Aurelio Umali, ang mga magsasaka sa lalawigan ng Nueva Ecija, lalo na ang nagtatanin ng palay, gulay, at iba na siyang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng bawat pamilya.
Kaya sa pamamagitan ng Joint Venture noong nakaraang taon ng Alcom Carbon Inc. Singapore Renewable Energy Company at ng Provincial Government ng Nueva Ecija ay nakapag produce ng Biochar bilang natural fertilizer, kung saan ang Nueva ecija ang kaunaunahang nagkaroon nito sa buong Pilipinas.
Ang Biochar ay isang Charcoal –like substance o tila parang uling na nagmula sa mga sinunog na agricultural waste product na mula sa ipa, dayami, at mga bao ng niyog na ginawang fertilizer.
Sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist ay sinimulan na nito ang technology demonstration sa 5 hanggang 10 operators sa mga munisipalidad.
Ipinamahagi ang mga biochar sa mga bayan ng San Leonardo, Gen.Tinio, at Palayan City.
Nauna nang nabigyan ang bayan ng Talavera at San Isidro.
Ayon kay Engr. Jobeat Agliam OIC ng OPA ang biochar ay inihahalo sa lupa para maibalik ang nutrition nito at upang gumanda, tumaas ang ani ng mga magsasaka at walang pinipiling commodities o crops.
Pwede sa palay o gulay at prutas at mainam din umano ito sa pagtatanim ng sibuyas.
Ipinamamahagi ang biochar sa mga magsasaka ng libre at sa mga nais na mag avail at willing na makapag avail ay makipag ugnayan lamang sa tanggapan ng OPA sa kapitolyo sa Palayan.