P2 DAGDAG PASAHE HIRIT NG MGA JEEPNEYS GROUP

Humirit ang ibat i­bang jeep­ney group sa Land Trans­portation Franchi­sing Regulatory Board (LTFR­B) ng P2 taas-pasahe sa mga pampasaherong jeep nationwide.

Isinumite ng mga lider ng iba’t ibang jeep­ney group ang kanilang ka­hi­lingan kay LTFRB Chair. Atty. Teofilo Guadiz na dagdagan ng P2 ang singil sa pasahe sa unang apat na kilometro sa mga pam­pasaherong jeepney na sakaling aprubahan ay ma­­giging P14 na ang mi­ni­­mum na pamasahe mula sa kasalukuyang P12.

Sinabi ng isa sa lider ng jeepney group na hindi na nila kayang pasanin pa sa hanay ng transportas­yon ang magkakasunod na pagtaas ng presyo ng pro­duktong petrolyo sa bansa kaya dapat nang ma­itaas ang pasahe sa jeep.

Anila, dapat ipatupad ng LTFRB ang Memo Circular 2019-035 na tumutukoy sa fare adjusment formula kapag malaki na ang itinaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon pa sa grupo, hindi sasapat ang planong fuel subsidy para maibsan ang hi­rap ng mga tsuper sa pa­ma­­masada.

Kasunod nito, humingi naman ng pang-unawa sa mga pasahero ang grupo da­hil sa hirit na taas-pasahe.

Hindi Naman pabor ang ilang pasahero sa muling inihihirit na taas-pasahe ng ilang transportation group sa pampasaherong jeepney.

Kasunod yan ng pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pag-aaralan nito ang hirit na ₱2 dagdag pasahe sa mga Public Utility Jeepney (PUJ) sa unang apat na kilometro.

Karamihan ng mga pasaherong nakapanayam ng tv48

Una nang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III na kinikilala ng ahensya ang karapatan ng mga operator at tsuper na nais maghain ng panukala hinggil sa dagdag-singil sa pamasahe pero may mga factor pa rin aniyang dapat ikonsidera ukol sa nasabing hirit na taas-pasahe ng mga tsuper.

Magsasagawa rin daw sila ng mga pulong sa susunod na linggo at tatalakayin ang nasabing hirit na taas-pasahe.

Samantala:

PATONG-patong na petisyon para sa taas-pasahe ang pinag-aaralan ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epekto ng walang tigil na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Iniulat ni LTFRB Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na bukod sa hirit na pasahe sa jeep ay ihihirit na rin ang mga City at Provincial bus at mga taxi.

Sinabi ni Guadiz na nagsabi na sa kanila ang mga bus operator na sila ay maghahain ng fare hike petisyon sa susunod na Martes Agosto 29.

Ang mga taxi naman ay ay gusto na rin itaas sa P70 ang flag down rate mula sa P40 na flag down rate.

Samantala, kahapon Martes, Agosto 29 ay nagpupulong ang LTFRB kaugnay sa hirit na P1 provisional increase sa jeep ng Pasang Masda, ALTODAP at ACTO.

Kama rin sa pupulungin ang LTOP, FEJODAP, Piston at Stop and Go Coalition para sa P2 taas-pasahe.

Magkakaroon naman ng hiwalay na pagdinig sa darating na Setyembre 15 para naman sa hirit na P5 taas-pasahe.

Aminado ang LTFRB na posibleng matatagalan pang maaprubahan ang hirit na taas-pasahe ng mga jeepney groups dahil magkaiba ang gustong taas pasahe.
Mahaba aniya ang igugugol nila sa pag-aaral at sa oras na makapag-desisyon ang board, ikokonsulta pa ito sa NEDA bago makapaglabas ng desisyon.

Punto ni Guadiz kailangan itong balansehin na hindi maapektuhan ang mga pasahero na posibleng magdulot din ng pagtaas ng inflation sa bansa.