GURO NG SPECIAL EDUCATION, MAS NAPALAPIT SA PANGINOON SA IBANG BANSA

Nakilala ng isang School Principal at Academic Consultant Ang Panginoon at ang kaniyang sarili, magmula noong naging Exchange Teacher ng Special Education sa America.

Ibinahagi ni Mrs. Sherry Joy Yrigan ang kaniyang mga karanasan bilang Guro ng mga may special needs sa programang Count Your Blessings nina Former Governor Czarina ‘Cherry’ Domingo-Umali at Dra. Kit de Guzman.

Kwento ng Guro, ang lahat ng kaniyang simulan sa Pilipinas noon ay hindi natatapos kabilang na rin ang kaniyang marriage.

Ngunit, noong nagpunta siya sa America, ay natapos niya ang lahat sa loob lang ng isang taon.

Itinuturing ni Mrs. Sherry na ang kaniyang pagmamahal sa pagtuturo ang kaniyang ginagamit na sandata upang makapagbahagi ng blessings sa iba.

Bilang Guro ay iminumungkahi niya na magkaroon at mas bigyang pansin ang kaniyang itinataguyod na Special Education Practice sa Pilipinas.

Ayon kay Mrs. Sherry, masakit sa kaniyang puso na makakita ng mga bata na napabayaan, kaya isa sa kaniyang adbokasiya ay makatulong sa mga paaralan.

Sa katunayan, bilang isang Autism Specialist ay tumutulong siya sa ilang mga sped centers at mga school na kinabibilangan ng mga kabataan na may special needs.