LIBRENG MEDICAL, SERVICE CARAVAN, HANDOG NG KAPITOLYO SA MGA TAGA BRGY. DICARMA, CABANATUAN
Karamihan sa mga residente ng barangay Dicarma na isa sa mga maliit na Barangay sa Cabanatuan ay walang sapat na hanap-buhay at mahihirap lamang.
Kaya malaking biyaya umano sa mga lolo at lola ang Malasakit na handog sa kanila ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna ni Governor Aurelio Umali at Vice Governor Doc Anthony Matias Umali.
Sa pamamagitan ng Provincial Health Office ay nagdala ng serbisyong Medical at libreng gamot para sa mga taga Barangay Dicarma kung saan prioridad ang mga senior citizen.
Mayroon ding libreng toothbrush at toothpaste para sa mga bata.
Hatid naman ng PMTC o Provincial Manpower Training Center ang libreng gupit, masahe, manicure at pedicure.
Laking tuwa ng mga lolo at lola ,mga nanay at tatay sa naranasang libreng mga serbisyo sa kanila kagaya ng masahe, manicure, at pedicure kaya napawi ang maghapong pagod nila at nakapag relax kahit papaano dahil hindi naman nila kakayanin na mag pa massage sa labas dahil mas priority nila ang pambili ng bigas.
Maging sila bunso ay hindi rin nagpahuli, dahil malapit na naman ang pasukan sinamantala narin nila ang libreng gupit dahil halos Php 100 na ang papagupit ngayon sa labas.
Kaya labis ang pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Dicarma sa kanilang natanggap na serbisyong may Malasakit mula sa Provincial Government.
Masaya naman ang isa sa mga trainer ng PMTC na si Elizabeth Julve na nakakapabigay sila ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Para naman kay kapitan Benedicto Cabuhat, inihalintulad nito ang sa one stop shop ang dalang serbisyo sa kanyang barangay dahil sa kumpletong serbisyong hatid sa kanila ng Kapitolyo.