73-ANYOS NA LOLO, KUMASA SA LIBRENG TULI SA CEBU
Viral ngayon ang 73–anyos na lolo na mayroong 7 anak 53 apo, at 25 apo sa tuhod na itatago natin sa pangalang lolo “Mado “ ng Brgy. Calawisan Lapu-Lapu City Cebu.
Dahil kahit senior citizen na ay kumasa ito sa Libreng Tuli sa panawagan ni Lapu –Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan.
Kuwento ni Lolo Mado, edad 16 siya nang nagplano sila noon ng kaniyang kaibigan na magpatuli. Pero dahil sa takot sa tradisyunal na paraan noon ng tuli, na gamit ang labaha at pukpok, umatras silang magkaibigan.
Ang libreng tuli ay hamon ni Mayor Chan sa lahat ng mga kalalakihan at kung sino ang mga magpapatuli ng 20 anyos pataas ay may reward na Php 10 libong peso, dahil ayon sa Mayor walang Apo si Lapu-lapu na “PISOT” o hindi tuli.
Matapos matuli ay balik na sa kaniyang gawain si lolo, na nagsabing wala naman siyang naramdamang sakit nang tuliin.
Natuwa naman si Mayor Jonard na maliban kay lolo Mado ay may kumasa ring tatlong kalalakihan na edad 23, 26 at 28 at dahil sa senior citizen na si lolo sa halip na Php 10 libo ay dinoble ito ni Mayor at ginawang Php 20, 000.
Ayon naman kay lolo masaya siya sa kanyang natanggap na 20 thousand pesos para pambayad sa kanyang mga utang, pero dagdag pa nito may reward o wala tuloy ang kanyang pagpapatuli para hindi na umano ciya binubully at tinatawag na Mado pisot o sa tagalog supot.
Panawagan naman ng City health na magpatuli kahit walang reward para narin sa kanilang kalusugan, maiwasan ang UTI o kaya impeksiyon at prostate cancer.