GALING SA PAGSAGOT, NAGPANALO KAY BINIBINING NUEVA ECIJA 2023
Hindi lang ganda ang puhunan ng mga kababaihang sumasali sa mga patimpalak ng pagandahan. Hinuhubog din nito ang kanilang personalidad, talino, talento, ugali, pakikilahok sa mga kawanggawa at pagsagot sa mga tanong ng mga hurado.
Sa ginanap na Binibining Nueva Ecija 2023, hinangaan ng mga manonood at hurado ang performance at galing sa pagsagot ng nanalo mula sa bayan ng Lupao na si Rinrin Raz.
Base sa naging criteria ng mga hurado, 60% ang Beauty of Face and Figure at 40% naman ang Intelligence and Personality.
Marami sa mga tumutok sa facebook live ng Binibining Nueva Ecija ay nagalingan sa kanyang sagot.
Hindi naman inexpect ni Raz na siya ang kokoronahan dahil lahat ng kanyang mga katunggali ay magagaling.
Bukod sa korona at cash prize na P100,000, naiuwi rin ni Raz ang worth of P80,000 scholarship mula sa College of Rearch and Technology, P5,000 worth of Gluta Drip Service sa Gluta Land, Bb. Browlines, Best in Production Number at Ms. Congeniality.
Kabilang din sa mga nagwagi sina Jasmine Ando ng Cabanatuan City bilang Bb. Nueva Ecija Tourism, Gisella Serrano ng Talavera bilang Bb. Nueva Ecija Culture and Heritage, Shane Centeno ng General Natividad bilang 1st runner-up at Estephanie Ladignon ng Cabiao bilang 2nd runner-up.