NAKAKALULA! MILYON-MILYON, SAHOD NG GILAS PILIPINAS PLAYERS SA FIBA WORLD CUP GAMES

Pagkatapos ng limang laro ng team Gilas Pilipinas sa FIBA WORLD CUP sa record na 4-1 panalo at talo, ay tinambakan nito ng 21 points ang mga higante ng China sa score na 96-75.

Magkano nga ba ang sahod ng bawat miyembro ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup?

Nakatanggap ng pinakamalaking sahod ang ating kababayang si Jordan Clarkson ng tumataginting na halos 60 million pesos sa kanyang limang game sa Gilas na halos pumapatak ng mahigit sa 10 million kada laro.

Hindi nakakagulat na si Clarkson ay binabayaran ng humigit-kumulang $1 Milyon maliban sa bayad sa insurance.
Ayon sa Fast Break, si Clarkson noong 2021 ay 6th Man of the Year’s scoring prowess, kaya tumangap ng tinatayang halagang $1 Million o humigit-kumulang P60 Million.

Mas mababa ito sa kanyang kasalukuyang sahod na P84 Million per month sa pera natin, sa NBA Utah Jazz, sumahod siya in 3 years ng $55 Million extension.
Hindi na hinangad ng ating kakabayan ang mas mataas na sahod sa Gilas dahil mas gusto umano niyang maglaro para sa bayan.

Si Kai Sotto naman ay nakatanggap ng halos P20 million kahit hindi gaaanong nagamit sa Gilas.

Si Renz Abando naman ay tumanggap ng P15 M dahil sa sobrang natuwa umano si MVP at ang pangulo ng SBP o Samahang Basketball ng Pilipinas sa ipinakitang ganda ng kanyang laro lalo sa kanilang laban sa China na malaking tulong sa Gilas kaya nakuha ang panalo

Si Dwigth Ramos ay may mas malaking sahod umano na natanggap na P28 M, kumpara kay Kai Sotto, na P20 M, dahil sa malaking tulong din na nagawa at katuwang ni Clarkson sa scoring at consistent ang naging laro nito.

Sina Junmar Fajardo, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, at iba pang players ay may tig P7 million sa kanilang 5 laro.

Hindi rin nagpahuli si Coach Chot Reyes na suot ang kanyang mamahaling suit na gawa ng sikat na si Thom Browne ng New York na umabot sa mahigit P200 thousand.

Good News din sa mga fans ng Gilas dahil pasok na ang Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament para sa 2024 Paris Olympic, matapos na pumasok sa Top #24 kung saan nanguna sa Asia ang Japan na nasa Top #19 at Iran na nasa Top # 23.

At Ito pa, good news naman para kay Renz Abandon dahil iniimbitahan umano ito ng head coach ng NBA Utah Jazz na si Coach Will Hardy sa koponan ni Jordan Clarkson sa NBA.

Sumabay na umano kay Clarkson pagbalik sa NBA, matapos na makitaan ng impresibong laro sa FIBA na pang galawang NBA na trending nga na napanood sa buong mundo lalo na sa laban sa China.

Pinag-iisipan naman daw sa ngayon ni Abando kung tatangapin nito ang offer sa kanya at imbitasyon ng Jazz.