HITMAN UMANO NI CONGRESSMAN TEVES, TIMBOG SA NUEVA ECIJA

Nadakip noong September 7, 2023 ng Nueva Ecija Police sa bayan ng Talugtug ang isa umano sa mga hitmen ng Teves Terrorist Group at tinaguriang Most Wanted Person sa Negros Oriental.

Kinilala ang suspek na si RICHARD QUADRA y Namoco,45, married, poultry caretaker, residente ng Brgy. Milagrosa, Sta Catalina, Negros Oriental na member ng Arnulfo Teves Group.

Base sa report na isinumite kay PCOL RICHARD V CABALLERO, Provincial Director, NEPPO, si Quadra kasama ng lima pang suspek, at ang na-dismissed na si Congressman Arnulfo Teves ay nahaharap sa mga kaso ng serye ng mga pagpatay sa Negros Oriental noong 2019.

Nang arestuhin ang suspek ay nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang isang caliber 9MM, handgun Smith and Wesson na kargado ng isang magazine ng mga bala.