SELEBRASYON NG EMPLOYEE’S MONTH NG PROVINCIAL GOVERNMENT, MATAGUMPAY
Matagumpay na naidaos ang selebrasyon ng Employee’s Month ng Provincial Government ng Nueva Ecija kaugnay ng 123rd Civil Service Anniversary noong Martes, September 12, 2023.
Sama-samang lumahok sa Fun Run ang bawat kawani ng pamahalaang panlalawigan na sinimulan sa harap ng New Capitol, Palayan City papuntang Nueva Ecija Coliseum, kung saan tatlong lalaki at tatlong babaeng partisipante ang nagkamit ng mga papremyo.
Inabangan din ang All-star Basketball exhibition ng Team Governor versus Team Vice Governor, kung saan nagwagi ang koponan ni Vice Gov. Anthony Umali.
Isa din sa highlights ng pagdiriwang ang pagtatagisan ng labing isang kandidata ng Bb. Kapitolyo.
Sa talumpati ni Governor Aurelio Umali, ay sinabi nitong patuloy na isasagawa ang ganitong patimpalak na nagpapakita na ang mga empleyado ng Provincial Government ay hindi lamang masisipag kundi magaganda at matatalino rin.
Inirampa ng mga naggagandahang binibini ang kanilang sports attire at long gown.
Nakuha ni Michaela Esguerra ng Sangguniang Panlalawigan ang People’s Choice Award, ang Miss Photogenic ay nakamit ni Joja Estoque ng Gabaldon Medicare Community Hospital, nasungkit naman ni Jeandee Mae Santos ng Provincial Accounting Office ang Best in Sports Attire, ang Best in Long Gown ay naiuwi ni Rhodonna Glor ng ELJ Memorial Hospital.
Mula sa 11 candidates ay pumili naman ng top 5 na naglaban-laban sa question and answer portion, kung saan relatable para sa mga empleyado ang naging sagot ni Jeandee Mae Santos na isa sa naging dahilan upang makuha nito ang korona.
Itinanghal na 4th runner up si Mary Jane De Leon ng Provincial Cooperative and Entrepreneurship Development Office, si Binibining Estoque naman ang 3rd runner up, naiuwi naman ni Ruizitta Amor Maraya ng Sto. Domingo District Hospital ang 2nd runner up, habang ang first runner up naman ay nasungkit ni Binibining Glor at kinoronahan bilang Binibining Kapitolyo 2023 si Santos.