HIGIT 50 BARIL, 4 NA UMANO’Y PAMPASABOG, NASAMSAM NG KAPULISAN SA LOOB NG 15 ARAW NG PAGPAPATUPAD NG GUN BAN
Kaugnay ng ipinatutupad na gun ban para sa Barangay at SK elections ay nakaaresto ng dalawampo’t anim na katao, 52 loose firearms, at apat na umano’y pampasabog ang Nueva Ecija Police mula August 28 hanggang September 11, 2023.
Base sa report ng NEPPO, resulta ng mga isinagawang buy-bust operations, pagpapatupad ng COMELEC checkpoints, Oplan Sita, at Manhunt Charlie sa Talavera, San Jose City, Gapan City, Gen Tinio, Talugtug, Guimba, Pantabangan, Cabiao, Jaen, San Antonio, Cuyapo, San Leonardo, Palayan City, at Sto. Domingo ay nakumpiska sa mga violators ang 22 revolvers, calibers .45 and .22, air gun, at homemade shotgun.
Habang sa inimplementang Search Warrants ng mga operatiba ng Guimba at Quezon naman nasamsam ang tatlong baril.
Kabilang din dito ang pag-surrender ng 27 loose firearms ng mga indibiduwal sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan alinsunod sa Balik-Baril program.
Samantala, nakumpiska naman umano ng Guimba at Quezon Police Stations ang dalawang pampasabog galing sa ipinatupad na Search Warrants, at ang dalawa pa ay isinurender naman ng mga umano’y dating rebelde sa 1st PMFC-NEPPO.HIGIT 50 BARIL, 4 NA UMANO’Y PAMPASABOG, NASAMSAM NG KAPULISAN SA LOOB NG 15 ARAW NG PAGPAPATUPAD NG GUN BAN
Kaugnay ng ipinatutupad na gun ban para sa Barangay at SK elections ay nakaaresto ng dalawampo’t anim na katao, 52 loose firearms, at apat na umano’y pampasabog ang Nueva Ecija Police mula August 28 hanggang September 11, 2023.
Base sa report ng NEPPO, resulta ng mga isinagawang buy-bust operations, pagpapatupad ng COMELEC checkpoints, Oplan Sita, at Manhunt Charlie sa Talavera, San Jose City, Gapan City, Gen Tinio, Talugtug, Guimba, Pantabangan, Cabiao, Jaen, San Antonio, Cuyapo, San Leonardo, Palayan City, at Sto. Domingo ay nakumpiska sa mga violators ang 22 revolvers, calibers .45 and .22, air gun, at homemade shotgun.
Habang sa inimplementang Search Warrants ng mga operatiba ng Guimba at Quezon naman nasamsam ang tatlong baril.
Kabilang din dito ang pag-surrender ng 27 loose firearms ng mga indibiduwal sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa lalawigan alinsunod sa Balik-Baril program.
Samantala, nakumpiska naman umano ng Guimba at Quezon Police Stations ang dalawang pampasabog galing sa ipinatupad na Search Warrants, at ang dalawa pa ay isinurender naman ng mga umano’y dating rebelde sa 1st PMFC-NEPPO.