EDUCATIONAL FINANCIAL ASSISTANCE NG KAPITOLYO, MALAKING TULONG SA MGA SCHOLAR NG PALAYAN CITY
Napakalaking tulong sa mahigit 200 mga scholar na mga taga Palayan City ang kanilang natanggap na Educational Financial Assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Anthony Umali.
Dahil ngayong pasukan ay marami umanong mga kailangang bilhin na gamit sa school gaya ng uniform sapatos at iba pa para sa kanilang pag aaral.
Ayon sa Public Affairs and Monitoring Office, inihatid na nila sa Palayan ang financial assistance ng mga scholar para hindi na kailangan pumunta pa sa Cabanatuan para kunin ito.
Tinatayang nasa halos anim na libong mga scholars ng kapitolyo ang nabibiyayaan ng stipend kada taon sa buong lalawigan.
Habang dalawang beses naman sa loob ng isang taon nakakatanggap ng halagang P2,500.00 para 1st at 2nd semesters ang mga estudyante.
Para naman kay Paulo Ramos 4th year sa kursong BSBA sa Eduardo L Joson Memorial College, mahalaga ang natanggap nilang educational financial assistance para sa kanyang mga magulang para maitaguyod ang kanyang pag aaral.
Ayon naman kay dating Palayan City Councilor Paul Michael Padolina na siyang nangangasiwa para sa mga scholar na taga Palayan malaking tulong ito sa kanilang pag aaral na kanilang ipinagpapasalamat.