2ND SEM ALLOWANCE NG CABANATUAN AT SAN ISIDRO SCHOLAR, NAIBIGAY NA NG PROV’L GOV’T OF NUEVA ECIJA
Natanggap na ng halos Kulang Sanlibong iskolar ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang 2nd semester na allowance sa ginanap ng Stipend Distribution na ipinamahagi sa Old Capitol sa Cabanatuan at sa Bayan ng San Isidro
Base sa datos ng PAMO, Halos 800 na estudyante ang nabigyan sa Cabanatuan sa San Isidro ay umabot ng mahigit 100 mga scholar
Bawat scholar ay nakakuha ng tig P2,500 mula sa pondo ng kapitolyo na kanilang magagamit sa mga pangangailangan sa pag-aaral tulad na lamang ni Saynilyn del Rosario na kasalukuyang 2nd year college ng ELJMC na ulila na sa kanyang Ama at tanging ang kanyang kuya na lamang ang nagpaparaal sa kanya
Malaking tulong din para kay Michael Chua Jr. 2nd year sa NEUST , ang natanggap na educational financial assistance para magkaroon siya ng pambili ng kanyang gamit sa school ngayong pasukan.
Pasasalamat din ang ipinaabot ni John Kevin Marcelo ng BRGY.D.S.Garcia Cabanatuan sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” UMali at Vice Governor Doc Anthony Umali dahil sa pag abot ng kanyang mga pangarap na makapagtapos ng kolehiyo sa pamamagitan ng Educational Financial Assistance na sa loob ng 4 na taong pagiging Scholar ay nakapagtapos na siya ngayong taon ng Kursong Bachelor of Science in Criminology