NOVO ECIJANANG TINDERA NG BALUT SA DUBAI, TINANGHAL NA 2ND RUNNER UP SA MISS PHILIPPINES DUBAI 2023

Nasungkit ng 19 anyos na Novo Ecijana na si Jannah Shane Bautista ang 2nd runner up bilang kinatawan ng Talavera at Nueva Ecija sa Miss Philippines Dubai 2023 ng Happy Moments Events.

Nadiskubre si Shane habang nagtitinda ng balut sa Dubai at inalok na sumali sa naturang patimpalak na sinuportahan naman ng kanyang ina na isa ding dating kontesera ng mga beauty pageant.

Ayon kay Shane, ito ang unang pagkakataon niyang sumali ng International Pageant sa kabila ng pagiging ambassadress ng mga event ng iba’t ibang kompanya sa Dubai habang nagtatrabaho din sa mga cosmetics.

Mula sa dalawampu’t limang kandidata mula sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas ay naging labing tatlo na lamang silang naglaban-laban sa finals.

Nakakuha din ng pitong special awards si Shane kabilang ang Miss Body Beautiful, Miss Happy Moments Events, Miss AVO Skin, Miss Kassab Inter Shipping LLC, Miss Spearheads, Miss Sant’e Barley, at Miss SMS Fashion Boutique Brand.

Dahil patungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang naging tanong kay Shane sa naturang patimpalak na isa din sa naging dahilan ng kanyang pagkakapanalo ay may payo din siya sa mga kabataan na huwag titigil hanggang hindi nakakamit ang kanilang mga pangarap.

Bagaman resident na ng Dubai ang pamilya ni Shane ay itutuloy nito ang kanyang pag-aaral sa Central Luzon State University sa kursong Tourism.

Nakatakda ding sumali si Shane sa Miss UAE sa buwan ng Nobyembre ngayong taon kasunod naman ang pagsali din ng kanyang mommy sa Mrs. UAE 2023 na kapwa nagsusuportahan upang matupad ang pangarap na maging title holder ng beauty pageant.NOVO ECIJANANG TINDERA NG BALUT SA DUBAI, TINANGHAL NA 2ND RUNNER UP SA MISS PHILIPPINES DUBAI 2023

Nasungkit ng 19 anyos na Novo Ecijana na si Jannah Shane Bautista ang 2nd runner up bilang kinatawan ng Talavera at Nueva Ecija sa Miss Philippines Dubai 2023 ng Happy Moments Events.

Nadiskubre si Shane habang nagtitinda ng balut sa Dubai at inalok na sumali sa naturang patimpalak na sinuportahan naman ng kanyang ina na isa ding dating kontesera ng mga beauty pageant.

Ayon kay Shane, ito ang unang pagkakataon niyang sumali ng International Pageant sa kabila ng pagiging ambassadress ng mga event ng iba’t ibang kompanya sa Dubai habang nagtatrabaho din sa mga cosmetics.

Mula sa dalawampu’t limang kandidata mula sa iba’t ibang probinsya ng Pilipinas ay naging labing tatlo na lamang silang naglaban-laban sa finals.

Nakakuha din ng pitong special awards si Shane kabilang ang Miss Body Beautiful, Miss Happy Moments Events, Miss AVO Skin, Miss Kassab Inter Shipping LLC, Miss Spearheads, Miss Sant’e Barley, at Miss SMS Fashion Boutique Brand.

Dahil patungkol sa kahalagahan ng edukasyon ang naging tanong kay Shane sa naturang patimpalak na isa din sa naging dahilan ng kanyang pagkakapanalo ay may payo din siya sa mga kabataan na huwag titigil hanggang hindi nakakamit ang kanilang mga pangarap.

Bagaman resident na ng Dubai ang pamilya ni Shane ay itutuloy nito ang kanyang pag-aaral sa Central Luzon State University sa kursong Tourism.

Nakatakda ding sumali si Shane sa Miss UAE sa buwan ng Nobyembre ngayong taon kasunod naman ang pagsali din ng kanyang mommy sa Mrs. UAE 2023 na kapwa nagsusuportahan upang matupad ang pangarap na maging title holder ng beauty pageant.