MGA LIKHA NG KILALANG ARTIST, IDINO-DONATE UPANG MAKATULONG SA KAPWA
IBINAHAGI NG ISANG KILALANG LOCAL ARTIST MULA SA BAGUIO CITY NA SI DULTHE CARLOS ANG KANYANG MGA KARANASAN, LIBANGAN AT PAGMAMAHAL SA SINING SA PROGRAMANG COUNT YOUR BLESSINGS NINA FORMER GOVERNOR CZARINA ‘CHERRY’ DOMINGO-UMALI AT DRA. KIT DE GUZMAN.
DAHIL SA KANYANG KAKAYAHAN, AY NABIBIGYANG BUHAY NIYA ANG MGA LIKHANG NAGMULA SA KANYANG ISIPAN NA NAGING SANHI KAYA SIYA SUMIKAT AT NABIGYAN NG MGA KARANGALAN.
KWENTO NI MR. DULTHE, BATA PA LAMANG AY MAHILIG NA SIYANG MAG-DRAWING SA MGA PADER AT HALIGI NG KANILANG TAHANAN.
ANG PAGIGING ARCHITECT ANG KANYANG PINAGKUKUHANAN NG PANG-GASTOS SA ARAW ARAW.
HABANG ITINUTURING NIYA BILANG LIBANGAN ANG ARTS & PAINTING AT ARCHERY NAMAN ANG KANYANG GINAGAWA UPANG MAPANATILI ANG MALUSOG AT MALAKAS NA PANGANGATAWAN.
BILANG ANAK NG DIYOS, AY NATUTULUNGAN NIYA ANG KAPWA SA PAMAMAGITAN NG PAG-DODONATE NG KANYANG MGA LIKHA.
TINUTURUAN DIN NIYA ANG MGA NAIS MATUTO NG ARTS, PARTIKULAR NA ANG MGA KABATAAN.
AYON KAY MR. DULTHE, BILANG ISANG ARTIST AY MAYROON DIN SIYANG MGA PAGSUBOK NA PINAGDAANAN, KABILANG NA NOONG KABATAAN NIYA NA SUMALI SIYA SA ISANG CONTEST AT NANALO ANG GINAWA NIYA NGUNIT INANGKIN ITO NG IBA.