123RD ARAW NG MGA KAWANI, DALAWANG LINGGONG IPINAGDIWANG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Pasasalamat ang ipinaabot ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija kina Governor Aurelio at Vice Governor Anthony Umali sa halos isang Linggong selebrasyon at pagpapahalaga sa kanilang ginagampanang serbisyo para sa mga Novo Ecijano.

Enjoy sila sa handog na Pampering Day dahil sa libreng manicure, pedicure, gupit at para maka pag relax ay pinilahan ang libreng masahe.

Maliban dyan ay may kasama pang grand pakain para sa lahat kaya naman bakas sa mga ngiti ng mga kawani ang ngiti at kasiyahan.

Ayon kay Assistant PHRMO Maria Angeline Fernandez, matagumpay na naisakatuparan ang ganitong pagdiriwang dahil sa suporta ng gobernador at ng Bise Gobernador na palaging nag papaalala sa kanila na ang mga kawani ang siyang buhay ng pagbibigay ng serbisyo ng kapitolyo para maihatid ang mga programa sa lahat ng mga Novo Ecijano.