LIBRENG TRAINING SA BREAD AND PASTRY PRODUCTION, IHAHANDOG NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
Inaprubahan sa Supplemental Agenda sa 30th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang reversion ng pondo na nagkakahalaga sa mahigit Php2-million mula sa Unexpended Capital Outlay Balances ng FY 2018 hanggang 2022 para sa rehabilitasyon ng canteen ng lumang DepEd Building sa Old Capitol Compound, Cabanatuan City upang gamitin bilang bakery.
Saklaw din ng pondong ito ang repair sa ilang bahagi ng Sierra Madre Suite na nasa Brgy. Singalat, Palayan City.
Ayon kay Public Employment Services Officer Luisa Pangilinan, kasabay ng pamamahagi ng bigas ng pamahalaang panlalawigan ay namamahagi na rin ng libreng tinapay para sa mga Novo Ecijano.
Makakatuwang ng provincial government sa bubuuing Nueva Ecija Bread and Pastry Commercial and Training Center ang Technical Education and Skills Development (TESDA) at Department of Labor and Employment (DOLE).
Maliban kasi sa paggawa ng tinapay ay magkakaroon din ng libreng training sa bread and pastry production para sa mga Novo Ecijano kung saan ang gagamitin namang training area ay ang dating tanggapan ng Civil Service Commission sa Old Capitol Building na kasama ding kukumpunihin.
Ilan naman sa pangunahing kinakailangang irepair sa Sierra Madre Suite ay ang repainting ng mga walls at ng mga sirang ceiling.