NUEVA ECIJA RICE VANGUARDS, GINAPAS ANG SAN JUAN GO FOR GOLD NI SEN JINGGOY
Pinangunahan ni Will McAloney ang Nueva Rice Vanguards para pabagsakin ang San Juan Go for Gold ni Sen. Jinggoy Estrada sa kanyang buzzer beater shoot sa natitirang 0.7 seconds sa overtime game na ginanap sa punong-punong Nueva Ecija Coliseum, sa Palayan City noong Huwebes Sept. 21, 2023.
Naging matindi ang laban ng San Juan at Nueva Ecija na halos palitan lang ng puntos.
Sa pagpasok ng last 2 minutes ay lumamang ng 5 puntos ang San Juan sa magkasunod na 3 points shoot ni Wumar at Nocum sa score na 89 to 84.
Hindi Naman nagpatinag ang Vanguards matapos na pumukol si Jay Collado ng isang 3 points shoot at isa pang floater basket ni Pamboy Reymundo para maitabla sa 89 all.
May chance pa sana na maipanalo ng San Juan sa natitirang 10 seconds at buzzer beater sana ni Wamar pero kapos ang kanyang tira para sa overtime.
Sa overtime naging dikit parin ang laban sa nalalabing 7 segundo 97 all nang hawak ni Roy Sumang ang bola at mai-drop pass kay McAloney ang bola para masiguro ang panalo at matiyak ng Rice Vanguards ang ikalawang puwesto patungo sa playoffs sa North division ng OKBet-MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Fifth Season sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.
Ang Nueva Ecija, ang defending national champion na may rekord na 22-5, na nakabuntot lamang sa Pampanga (24-2) sa round-robin elimination phase ng two-division 29-team tournament.
Best player si Michael Juico na may 19 points 6 rebounds at 4 assists.
Bukas ay makakalaban naman ng Nueva Ecija ang Pasay sa Nueva Ecija Coliseum sa ganap na 8:00 ng gabi.