MGA TSEKE, TUMALBOG; BUSINESSWOMAN, ARESTADO SA GEN. NATIVIDAD
Himas rehas ang isang 48-year old businesswoman matapos arestuhin ng General Natividad Police dahil sa mga tumalbog nitong tseke.
Base sa report, gabi noong September 23, 2023 nang ihain ng mga awtoridad (Gen. Natividad MPS and 1st/2nd PMFC NEPPO) sa Brgy. Poblacion ang warrant of arrest ng akusado na inisyu ng Presiding Judge ng MCTC Gerona, Ramos sa Pura Tarlac.
Nagkakahalaga naman ng PHP10,000.00 ang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.