Nagsama sama ang mga Agriculture Extension Workers ng Nueva Ecija upang ipagdiwang ang Agricultural Extension Workers General Assembly and Year-End Assessment sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City.
Ang nasabing general assembly ay ang pagkakataon umano upang magsama sama ang lahat ng Agriculture Extension Workers sa lalawigan at makapagbahagi ng kaalaman at kaligayahan sa bawat isa.
Maliban sa mga Agriculture Extension Workers, ay nakibahagi rin ang ilan sa mga National Agencies na katulong ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) sa pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa agrikultura.
Isa sa kinakaharap na problema ng mga magsasaka ang climate change, kaya naman nagbahagi ng presentasyon tungkol sa Climate Change Adaptation and Mitigation ang Head ng DRRMO, DA-RF03 na si Dr. Lowell Revillaco.
Samantala, pinangunahan ni Provincial Rice Program Coordinator Evelyn Santos ang pagbibigay parangal sa mga nanguna sa Rice Derby Result.
Nagkaroon din ng mga performances ang mga agriculture extension workers para sa TikTok Dance Challenge.
Maliban sa sayawan, ay nagkaroon din ng iba pang palaro katulad ng raffle at parlor games na siyang kinaaliwan ng mga kalahok.

