Nahalal bilang bagong Presidente ng Liga Ng Barangay (LNB) si Kapitan Sonny J. Cariño mula sa Barangay Nagmisahan, Cuyapo, Nueva Ecija, matapos na wala itong nakalaban sa naganap na eleksiyon.

Ayon kay DILG Provincial Director Atty. Ofelio Tactac, naging maayos at walang naging problema ang idinaos na halalan.

Layunin ni LNB President Cariño na paigtingin ang ugnayan nilang mga opisyal sa mga mamamayan upang sila ang maging tulay at boses ng mga nasa barangay patungo sa Sangguniang Panlalawigan.

Bilang bagong President ng Liga ng mga Barangay ng Nueva Ecija, ay magiging kabilang na rin siya sa mga Board Member ng Sangguniang Panlalawigan bilang kinatawan ng mga kapitan.

Itinalaga rin sina Kapitan Narciso D. Franco bilang bagong Vice President at si Kapitan Jose Eulogio Rosalino M. Dizon naman ang bagong Auditor.

Habang kabilang naman sa mga Board of Directors sina Kapitan Aristotle Manabat, Kapitan Albert Lopez, Kapitan Alexander Natividad, Kapitan Benjamin Tiangco III, Kapitan Teddy Jun Rivera, Kapitan Renato Octavo Sr., Kapitan Donnabel Bautista at Kapitan Jomar Pestano.