Sensitibong Balita:

LALAKI, KULONG SA PAGLABAG SA ELECTION CODE AT PAGDADALA NG KONTRABANDO

Idinitine at kinasuhan ang bente syete anyos na lalaki na taga Bayambang, Pangasinan dahil umano sa paglabag sa Omnibus Election Code at pagdadala ng illegal na droga.

Base sa report ng kapulisan, September 30, 2023 nang parahin sa checkpoint sa San Jose-Rizal Road Brgy. Palestina, San Jose City, Nueva Ecij ang suspek na sakay ng motorsiklo.

Inaresto ito dahil nabigo umano itong magpakita ng lisensya, hindi nag-match ang engine and chassis number ng motor sa iprinisenta nitong OR/CR, at nakuhanan ng hinihinalang shabu worth Php 6,800.00, at drug paraphernalia.