NOVO ECIJANO VISUAL ARTISTS, NAGSAMA-SAMA SA ISANG EXHIBIT
Nagsanib pwersa ang mga Art community ng Nueva Ecija kasama ang Likha Novo Ecijano, Provincial Tourism Office, SM City Cabanatuan at iba pang grupo sa pagbibigay sigla at muling pagbuhay sa makulay na Nueva Ecija Visual Arts sa pamamagitan ng exhibit na tinawag na UN-BOUNDED EXPRESSIONS.
Sa nasabing exhibit ipinakita ang gawa ng mga kilalang Novo Ecijano local artist sa pangunguna nina Freddie Agunoy at Johnbitz De Leon, kasama ang Likha Novo Ecijano artist sa pamumuno ni Ivy Miranda.
Ayon kay Miranda layunin nito na mapalakas ang sining sa Nueva Ecija at bigyan ng pagkilala ang mga magagaling na mga local artist, at mga young artist.
Para makilala ang kanilang mga obra maestra hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo gaya na lamang ng tubong Aduas, Cabanatuan City na si Gromyko Semper, na ang kanyang ang mga gawa ay ipapadala ng NASA sa isang time capsule sa buwan, na parte ng pereguem project ni Doctor Samuel Peralta. (BOOK OF LOVE)
Pangarap din aniya ng kanilang grupo na magkaroon ng isang kanlungan ng sining para sa mga visual artist sa Nueva Ecija sa pamamagitan ng paghikayat sa mas maraming master artist at bagong henerasyon na maging bahagi ng organisasyon at magtulungan sa pagpapalakas ng visibility at kapangyarihan ng kultura ng sining sa lalawigan.
Ang kanilang mga painting ay kanilang ibinibenta para makatulong sa mga young artist.
Ayon naman kay Atty.Joma San Pedro ng Provincial Tourism Office, kaisa at suportado ng pamahalaang panlalawigan ang mga artist na Novo Ecijano.

