SOLUSYON SA MATAAS NA PRESYO NG BIGAS, INIHAIN NI GOVERNOR UMALI

Mula sa personal na karanasan sa pamimili ng palay sa lalawigan ng Nueva Ecija ay inihain ni Governor Aurelio Umali ang ilang pamamaraan na posibleng maging solusyon upang mapababa ang presyo ng bigas sa ginanap na Consultation with Rice Stakeholders, na pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, noong October 6, 2023.