MAHIGIT 100 ESTUDYANTE NG SANTA ROSA, NATANGGAP NA ANG ALLOWANCE PARA SA 2ND SEMESTER NG S.Y 2022-2023

Laking tuwa ng mahigit 100 estudyante mula sa bayan ng Santa Rosa nang tanggapin ang kanilang allowance mula sa Educational Financial Assistance program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija sa pangunguna nina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Anthony Umali.

Sa ginanap na Stipend Distribution, ipinamahagi ng Provincial Treasurer’s Office at Provincial Affairs and Monitoring Office ang P2, 500 para sa 2nd semester ng school year 2022-2023 bilang tulong pinansiyal sa mga kwalipikadong iskolar ng probinsiya na maaaring gamitin sa kanilang pag-aaral.

Malaking bagay din ito sa mga gastusing kinakaharap ng mga magulang. Tulad ni Liezel Galvez na nagtatrabaho bilang isang tutor sa elementarya na sa kabila ng mataas na bilihin ay may pinag-aaral pa na isang Nursing student sa Our Lady of Fatima University sa Cabanatuan City.

Nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat ang mga iskolar gayundin ang mga magulang kina Gov. Oyie at Vice Gov. Anthony dahil sa allowance na ibinibigay ng kapitolyo para makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.