LIBRENG BINHI NG SIBUYAS, PALAY, NATANGGAP NG SAMAHANG MAGSASAKA NG CAPUTICAN SA TALAVERA

Pinangunahan ni Vice Governor Doc Anthony Umali ang pamamahagi ng mga libreng binhi ng sibuyas sa isinagawang High Value Crops Development Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Pangunahing benepisyaryo nito ang mga Farmers Cooperative and Association (FCA) ng Nueva Ecija.

Bukod sa sibuyas, namahagi rin ng Shallow Tube Wells at Multi Cultivator.

Ang Samahang Magsasaka ng Caputican sa Bayan ng Talavera ang isa sa mga nabiyayaan ng programa

Malaking bagay umano sa kanila ang natanggap na mga binhi dahil napakamahal ng mga buto ng sibuyas.

Sa red crayon ang isang lata o 400g ay Php 2,000 pesos hanggang 2,500 habang ang puting sibuyas naman ay umaabot ng mahigit sa Php 7,000 ang isang lata.

Ayon sa kanilang pangulo ay parang sugal at walang kasiguraduhan kung kikita sila o hindi dahil may pagkakataon na napepeste ng harabas ang kanilang kalaban o di kaya pag dating ng anihan ay bagsak presyo ng kanilang aning sibuyas.

Pero dahil sa kanilang natanggap na libreng mga buto ay hindi na sila nangangamba at natatakot na magtanim ngayon.

Malaking pasasalamat ng samahan sa patuloy na mga programang ipinagkakaloob sa kanila ng Kapitolyo dahil noong nakaraang taon lang sa isinagawang pamamahagi ng mga makinarya ay marami silang natanggap na mga kagamitan sa pagsasaka.

Maliban sa binhi ng sibuyas ay nakatanggap din ng libreng binhi ng palay at pataba ang samahan ng mga magsasaka na palay ang itinatanim.

Dahil sa magandang ugnayan ni Governor Aurelio at Vice Gov Doc Anthony Umali sa Department of Agriculture ay naisakatuparan ang pangarap ng mga magsasakang Novo Ecijano na magkaroon ng sariling makinarya ang mga kooperatiba at samahan ng mga magsasaka sa lalawigan.