LTFRB CHAIRMAN TEOFILO GUADIZ III, BALIK NA SA PWESTO

Ibinalik na sa puwesto ang sinuspendeng Land DXTransportation Franchising and Regulatory Board chairman Teofilo Guadiz III matapos bawiin ng nag-iisang testigo na si Jeff Tumbado ang akusasyon laban kay Guadiz.

Kinumpirma ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na tinanggal na ang suspension kay Guadiz matapos bawiin ng dating executive assistant nitong si Jefferson Tumbado ang bintang na sangkot ito sa korapsyon sa ahensiya.

Ayon kay The Department of Transportation sec. Jaime Bastista binawi ang 90 days suspension kay Guadiz base na rin sa utos ng Office of the President na pirmado ni executive sec. Lucas Bersamil.

Naging batayan ang pag-alis sa suspention order ang pagbawi ng salaysay Jeff Tumbado.

Nagpasalamat naman si Guadiz sa tiwala at suportang ibinibigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ipagpatuloy ang pagbibigay serbisyo sa bansa.

Nangangako umano siya na ipagpapatuloy niya ang mataas na pamantayan sa integridad, husay, at katapatan sa pamumuno ng LTFRB

Matatandaan Noong Oktubre 9 sa isang press conference na inorganisa ng transport group Manibela, isiniwalat ni Tumbado ang talamak na korapsyon sa LTFRB kung saan nakikinabang daw sina Guadiz, Secretary Bautista at ang MalacaƱang, pero makalipas ang dalawang araw ay binawi ang akusasyon at nag-sorry kina Guadiz at Bautista.