Pinakamalaking coaching contract na sa NBA history ang total value na ibinigay sa Fil-Am Coach na si Erik Spoelstra ng Miami Heat.
Tumatagingting na 120 million Dollars o katumbas ito ng mahigit sa P6.7 billion Pesos sa loob ng 8 taong kontrata.
Ito na ang pinakamalaking ipinangako sa isang Coach sa North America sa ano mang Professional Sports.
Nilagpasan nito ang $80+M ni Gregg Popovich na binigyan ng San Antonio ng five-year extension.
Ayaw bitawan ng Miami Heat si Erik Spoelstra kaya binigyan ang coach ng napakahabang contract extension. Naniniwala ang Miami na mahabang panahon pa at maraming kampionato pa ang maibibigay nito sa koponan.
Si Erik Spoelstra 53 years old ay nagsimula bilang video coordinator noong 1997 at naging assistant Coach hanggang sa maging Head Coach noong 2008.
May 6 na NBA Finals at 2 Kampiyonato, nasa Rank 19 bilang all time coaching wins sa NBA, at siya rin ang kauna-unahang Asian American na nanalo ng NBA Title.
Very Proud naman ang mga Star players na sina Lebron James at Dwane Wade na mga dating Miami Heat na i-congratulate ang kanilang dating Head Coach na nagdala sa kanila sa Kampeonato.
Ayon sa Post ni Lebron sa social media, napakahalaga ng bawat sentimo sa ganong kontrata para kay Coach Erik.
Panahon ni LeBron sa Miami kasama sina Dwyane Wade at Chris Bosh, minanduhan ni Spoelstra ang Heat sa dalawang championship (2012 at 2013).
Malakas narin ang usap usapan na si Spoelstra na ang magiging Head Coach ng Team USA sa susunod na 2028 olympics.
Alam nyo ba na si Coach Erik Spoelstra ay binalak pala dati na maglaro sa local league sa Pilipinas bilang Fil-American.
Si Erik ay anak ng isang Pilipina na mula sa San Pablo Laguna, naglaro siya sa college sa Portland Pilots at naglaro rin ito overseas sa Germany at assistant coach, kung saan plano niya sanang pumunta sa Pilipinas para subukan mag-PBA, ngunit nagkaroon siya ng oportunidad sa Miami hanggang sa maging champion coach siya.
Ngayon ay nakatutok pa rin si Spoelstra sa basketball scene sa Pilipinas, kung saan nagsasagawa siya ng basketball camp at clinic para sa mga batang gustong maging basketbolista.

