67-ANYOS NA LOLA, NANGANAK NG ISANG MALUSOG NA BATANG BABAE
Naging viral ang balita tungkol sa isang lola na Si Xinju Tian, na 67 taong gulang nang manganak ng isang malusog na batang babae.
Si Tian at ang kanyang 68-anyos na asawa na si Weiping Huang ay nagsasabing natural silang naglihi.
Ang sanggol ay ipanganak sa pamamagitan ng C-section noong October 25, 2019, sa Zaozhuang Maternity and Child Health Care Hospital sa silangang China, kung saan dating nagtrabaho si Tian bilang isang pediatrician. Pinangalanan nila itong Tianci, na nangangahulugang “kaloob mula sa langit,”.
Nang malaman ng mga anak ni Tian na buntis ito, umaasa sila na magpapa-abort umano ito at sinabi pa ng anak nito na puputulin nila ang relasyon sa kanya kapag itinuloy ang pagbubuntis, ngunit inamin ni Tian nang lumabas ang kanyang baby na kahit nagprotesta ang iba pa niyang mga anak, tinanggap nila ito bilang kapatid .
Nahirapan aniya siya sa pagbubuntis na ito at hindi ito katulad ng nauna niyang dalawang anak mula noong bata pa siya. Nakakapagod aniya ang pagkakaroon ng bagong sanggol at hindi sila masyadong nakakatulog sa pagitan ng pagpapakain at pagpapalit ng diaper.
Ngunit nagawa naman ito ng senior couple, at sinabi ni Tian na hindi siya nakaranas ng anumang pisikal na sintomas, tulad ng hypertension, noong ipinagbubuntis ito.
Sa ngayon ay tatlong-taong-gulang na ang babaeng Chinese na si Huang Tianci na para sa mag asawa ay isang regalo sa kanila o hulog ng langit.

