TARPAULIN NA GINAMIT SA KAMPANYA, GINAWANG BAG SA SAN ISIDRO
Sa halip na sunugin ang mga ginamit na tarpaulin noong nakaraang kampanyahan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 ay ginawa itong upcycled bags sa inisyatibo ng nanalong kapitan na si Ariel C. Bundoc at SK Chairwoman Janna Marie T. Perez.
Ayon sa post ng Barangay Calaba San Isidro Nueva Ecija facebook page, siyam na araw makalipas ang eleksyon ay sinimulan ang proyektong CALABA Upcycled Bags upang hikayating magkaisa ang bawat mamamayan para sa pag-angat ng kanilang barangay.
Muling binigyang buhay ang mga tarpaulin na ito at ginawang bags na ipinamahagi naman sa kanilang mga kabarangay.
Layunin ng proyekto na makatulong sa kalikasan, mapanatili ang kalinisan sa kanilang lugar at mahikayat ang mga mamamayan na ugaliin ang 5Rs o ang Refuse, Reuse, Reduce, Repurpose at Recycle upang mapaigting ang Waste Management sa kanilang barangay.
Ikinatuwa naman ito ng ilang netizens at sinabing isa itong magalig at matalinong ideya.

